HINDI na mag-iisyu ang Philippine Embassy sa Filipino community sa Thailand ng request letters na naka-address sa Thai Immigration Bureau.
Partikular ang sulat para sa kahilingang extension ng Thai visa para sa mga Pinoy na naroroon.
Sa ngayon ay maluwag ang Thailand sa health protocols at naghahanda na para sa pre-pandemic normal sa susunod na buwan.
Magugunita sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic mula noong 2020, nag-iisyu ang Philippine Embassy ng sulat para sa visa extension ng mga na-stranded na mga Pinoy sa Thailand para hindi maasunto ng ‘overstaying’ sa nasabing bansa. (GINA GARCIA)