ISINAGAWA kahapon, 20 Hunyo 2022 ang kick-off ng kampanya kontra dengue sa Mayor Nene Aguilar DRRMO Building sa barangay Talon Dos.
Ang programa ay pinangunahan ng Las Piñas City Health Office sa pagkakaloob ng libreng lectures sa mga barangay captain kasama ang iba pang opisyal, stakeholders, department heads, at mga makakatuwang sa pagsugpo ng dengue sa Las Piñas.
Pormal itong dinaluhan ni Vice Mayor April Aguilar kasama ang ibang konsehal at nagpahatid ng suporta sa programa ng Las Piñas. Nagbigay rin ng mensahe si Mayor Mel Aguilar para hikayatin ang bawat isa na pangalagaan ang mahal na lungsod at gawing dengue-free ang Las Piñas.
Pinangunahan ni Bise Alkalde April ang Pledge of Commitment, sa panunumpa ng lahat ng mga dumalo sa nasabing programa.
Matapos ito, pinirmahan ni VM April ang pledge of commitment wall at sinundan ng lahat ng kasama sa kampanya kontra dengue.
Layunin ng aktibidad na maging handa at bukas ang isipan ng mga taga-Las Piñas upang labanan at masugpo ang sakit mula sa lamok. (GINA GARCIA)