ni Ed de Leon
TALAGANG matindi ang “pasada” ng isang male star. Dumarayo talaga siya sa abroad, basta sa mga bansang hindi kailangan ng mga Pinoy ng visa. Tutal naman matagal na ang tatlong araw sa kanya roon.
Basta natapos na ang pakikipagkita niya sa kanyang “gay dates,” nabayaran na siya at naipag-shopping talagang uuwi na siya para makahanap naman ng kasunod na dates.
Kung sa abroad ang date, mas malaki ang bayad sa kanya siyempre, may shopping pa. ‘Di gaya kung dito lang na sa halagang P10K, ayos na ang date niya. Aba wala naman siyang magagawa. Bagsak ang ekonomiya, kaya ang mga bading nagtitipid din sa pakikipag-date nila, lalo na’t hindi pa naman masyadong sikat na kagaya niya.
Ang talagang nakakadale lang dito iyong sikat na talaga, hindi lang sa social media.