MATABIL
ni John Fontanilla
KANYA-KANYANG patalbugan pagdating sa pagpapakilala ng kani-kanilang sarili ang Top 30 trainees ng inaabangang P-Pop reality competition ng TV5, Cignal Entertainment, at Cornerstone Entertainment, ang Top Class: Rise to P-Pop Stardorm na ginanap sa Glorietta Activity Center kamakailan.
Sa 30 student, may mga mahusay sumayaw, kumanta, at mag rap kaya naman tiyak mahihirapan ang kanilang mga mentor na binubuo nina KZ Tandingan, Shanti Dope, at Brian Puspos.
At kahit nga ang host nitong si Miss Universe 2018 Catriona Gray at mga co-host na sina Albie Casiño at Yukii Takahashi ay nagsabi na sobrang talented ang mga nakapasok sa Top 30 ng Top Class, kaya naman pahirapan kung sino ang isa-isang matatanggal sa mga ito.
Ang 30 Top Class contenders ay binubuo nina Dean Villareal, Bulacan; EL Mendoza, Batangas; LX Reyes, Bulacan; Justine Castillon, Cavite; Kim Huat Ng, Bacolod; Harvey Castro, Bataan; Joshuel Fajardo, Kuwait; Gilly Guzman, Quezon City; Kenzo Bautista, Bulacan; Seb Herrera, Laguna; Denver Dalman, Cebu; Francis Lim, Caloocan; Trick Santos, Caloocan; Jascel Valencia, Manila; Tanner Jude, Quezon City; Jon Laureles, Spain; Clyde Garcia, Ilocos; Matt Cruz, Bicol; Timothy Tiu, Quezon City; Brian Zamora, Makati City; Jeff Cabrera, Cebu; Roj Concepcion, Bulacan; Jai Gonzales, Mandaluyong; Chase Peralta, Katipunan; Dave Bono, Tondo; Ash Rivera, Baguio; JC Dacillo, Bulacan; RZ Condor, Cebu; Niko Badayos, Bacolod; at Gab Salvador, Batangas.
Mapapanood ang Top Class: The Rise to P-Pop Stardom simula sa June 18 sa Kumu (daily streaming) at sa TV5 (tuwing Sabado).