Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Joaquin Domagoso Cassy Legaspi

Tambalang Joaquin at Cassy buwag na

MATABIL
ni John Fontanilla

IBINALITA ni Joaquin Domagoso na buwag na ang tambalan nila ni Cassy Legaspi at last na pagsasama na nga nila bilang loveteam ang hit teleseye ng Kapuso Network na Firts Lady.

Kuwento ng kahihirang pa lang na Best New TV and Movie Young Actor of the Year ng World Class Excellence Japan Awards 2022, hindi pa niya alam kung sino na ang magiging ka-loveteam niya ngayon o ni Cassy.

Sa ngayon ay okey lang kay Joaquin ang maging solo na lang muna at walang ka-loveteam. Mas gusto nitong makilala bilang solo artist at hindi dahil may kapareha siya. Pero if gusto ng GMA 7 na bigyan siya ng kapareha wala namang problema at kahit sino ay okey lang sa kanya.

Samantala masaya ang aktor at muling nabigyan ng parangal mula sa WCEJA, kaya naman nagpapasalamat ito kay Emma Cordero na siyang presidente at founder ng World Class Excellence Japan Awards.

Ilan sa kasabay nitong tumanggap ng awards sina Aiko Melendez, Lhar Santiago, Atty. Persida Acosta, Angelique Lazo,Teresa Loyzaga, DJ Janna Chu Chu, Obette Serrano, Emilio Garcia, Patricia Javier, Liz Alindogan, Rhed Bustamante, Dexter Doria,Jojo Bragais, Janah Zaplan, Diego Loyzaga, Lovely Rovero, Kuya Jay Machete, Jay Manalo, Jovani Manansala, Faye Tangonan, Lester Paul Recirdo, Richard Hinola, Roldan Castro, Nonie Nicasio, George Vail Kabrisante, Anne Venancio, Rodel Fernando, Fernan Ms F De Guzman, Morly Aliño, Chino Hansel Philyang atbp..

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …

Will Ashley Odette Khan Bar Boys 2

Will Ashley natulala kay Ms Odette: Sobrang goosebumps, gusto ko pagtanda ko ‘yun ako

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez PURING-PURI ni direk Kip Oebando si Will Ashley dahil sa galing nitong umarte at nagampanan …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …