Tuesday , December 24 2024
NTF-ELCAC

PNP, NTF-ELCAC, sinopla ni Guevarra

ni ROSE NOVENARIO

DALAWANG linggo bago bumaba sa puwesto, sinopla ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang mga pahayag ng Philippine National Police  (PNP)  at National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) kaugnay sa mga progresibong grupo.

Pinaalalahanan ni Guevarra si acting PNP chief Lt. Gen. Vicente Danao na hindi esklusibong karapatan ng mga tagasuporta ni president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagdaraos ng mapayapang rally malapit na National Museum sa inagurasyon ng ika-17 Pangulo ng Filipinas sa 30 Hunyo 2022.

“The right of peaceful assembly, regardless of one’s political beliefs or affiliation is guaranteed by the Constitution, subject to reasonable regulations to maintain peace and order, including the requirement to obtain a prior permit,” ani Guevarra.

“As long as their statements do not constitute an actionable offense , such as inciting to sedition and oral defamation, rallyists enjoy freedom of expression,” dagdag niya.

Nauna rito’y sinabi ni Danao na ang mga sisigaw lamang ng “Mabuhay” para kay Marcos Jr ang papayagan makalapit sa inagurasyon.

Ibinuga rin ni Guevarra ang disgusto sa ginagawang red-tagging ng ilang opisyal ng NTF-ELCAC kahit siya mismo ang chairman ng task force.

Para kay Guevarra, dapat maghain ng kaukulang kaso ang NTF-ELCAC kung may hawak na mga ebidensya sa halip na markahan bilang mga komunista ang mga aktibista.

“If you have evidence against them, follow the necessary legal action Stop labeling them, do whatever is necessary to prosecute them,”sabi ni Guevarra.

Nalalagay aniya sa panganib ang buhay ng mga aktibista kung wala naman sapat na pruweba gayong isinasatinig lamang nila ang paniniwalang political.

“You are endangering certain people if you do not have sufficient evidence. It is possible that these individuals will become targets when they are just being vocal about their political views,” anang kalihim.

Umalma ang isang opisyal ng NTF-ELCAC sa pagbatikos sa kanila ni Guevarra.

“We also find it unfortunate that no less than ta Justice Secretary seems ignorant that our Supreme Court has ruled, in Zarate vs Aquino, that there is no danger to life, liverty and security when you are identified as a member of the CPP-NPA,” pahayag ni NTF-ELCAC spokesperson Lorraine Badoy.

Matatandaang maging si incoming National Security Adviser Clarita Carlos ay nagsabing ang red-tagging ay paninirang-puri at pag-aaksaya lang ng oras.

Naniniwala si Carlos na hindi makatutulong sa paglutas ng insurgency ang red-tagging.

“Definitely not. I have repeatedly declared that red-tagging should be in fact be stopped because wala siyang katuturan, labelling people. Sa akin, bilang social scientist, when you use labels that means you are a lazy person because you don’t know how else to I.D. a person. So iyong labelling, wala namang katuturan iyan eh,” ayon kay Carlos.

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …