ni Ed de Leon
IBA rin ang kapalaran ni male star. Naging syota siya ng isang rich gay. Ibinahay siya at ang kanyang pamilya sa isang condo. Ibinili siya ng kotse. Lahat ng kaluwagan ibinibigay sa kanya. Kaso naasar din ang rich gay, dahil nalaman niyang bukod pala sa kanya, si male star ay pumapatol pa rin kung kani-kaninong bakla.
Ang masama, nagkaroon pa ng gulo, nang mabisto ng misis ng rich gay ang kanilang relasyon. Pinalayas niyon ang male star at ang kanyang pamilya sa kanilang condo. Tapos ipinasuspinde pa ni misis pati ang credit card na siyang ginagamit ni male star sa pagbabayad ng kotse, dahil doon ang sasakyan niya ay nabatak. Pero si male star,
hindi affected, kumabit na naman siya hindi lang sa isa kundi sa tatlong bakla pa, na lahat ay nagsusustento sa kanya.
Bakit kaya ayaw pa niyang tigilan ang ganoon eh naeeskandalo na siya. Binibigyan pa naman siya ng build-up ngayon ng kanyang network. Talaga bang enjoy na siya sa pakikipagrelasyon sa mga bakla kahit na sinasabing may syota na siyang isang female
personality?