MATABIL
ni John Fontanilla
MASAYA ang model/actor na si Van Maxilom sa pagwawagi ng kanyang team, ang rowing team ng Pilipinas sa katatapos na 34th Southeast Asian Games na ginanap sa Vietnam.
Kuwento ni Van na ilang buwan din silang nag/training bilang paghahanda sa 34th Southeast Asian Games at kasagsagan iyon ng pandemic kaya naman medyo mahirap pero naka-focus silang lahat para makapag-uwi medalya at karangalan sa Pilipinas. Hindi naman sila nabigo dahil nakapag-uwi sila ng anim na medalya sa tulong ng kanilang mga coach na sina Edgardo Maerina, Icon Fornea, at Nicanor Jasmin.
At ang mga medalyang nauwi ng team ni Van ay ang Womens Quadruple Sculls Bronze (Joanie Delgaco, Amelyn Pagulayan, Josephine Qua, Kristine Paraon), Lightweight Men’s Sculls Silver (Cris Nievarez,Cj jasmin ), Lightweight women quadruple Sculls Bronze(Feiza lenton, Alyssa Go, Joanie Delgaco, Kharl Juliann Sha), Men’s lightweight Coxless Four Bronze (Edgar Ilas, Roque Abala Jr, Zuriel Sumintac, Joachim de Jesus ), Men’s lightweight Quadruple Sculls Bronze (Van Maxilom, CJ Jasmin, Emmanuel Obaña, Athens Tolentino), Women’s Single Sculls Event Silver (Joanie Delgaco ), Men’s Lightweight Single Sculls Bronze (Cris Nievarez ), Men’s lightweight Pair Bronze (Edgar Ilas, Zuriel Sumintac).