I-FLEX
ni Jun Nardo
NAGWAKAS na ang paghihintay ng mga nagmamahal at fans ni Nora Aunor para maigawad sa kanya ang National Artist for Film Award.
Ilang beses nang na-bypass si Ate Guy na makamit ang pinakamtaas na award sa isang artist. Kamakailan ay iginawad na ito sa superstar kabilang ang writer na si Ricky Lee at puamanaw na stage actor na si Tony Mabesa.
Pinasalamatan ni Nora si President Rodrigo Duterte at mga taong nasa likod ng karangalang iginawad sa kanya.
Bahagi pa ng pasasalamat ng superstar, “Wala po akong maisip na sabihin sa labis na kasiyahan sa aking puso.”
Mabuhay ka, Ate Guy.