Friday , November 15 2024
shabu drug arrest

2 kelot timbog sa P3-M shabu

MAHIGIT sa P3 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakuha ng mga awtoridad nang mahuli ang dalawang lalaking sinabing nagbebenta ng droga sa magkahiwalay na buy bust operation sa Taguig at Parañaque City.

Sa ulat na natanggap ni P/BGen. Jimili Macaraeg, director ng Southern Police District (SPD), kinilala ang suspek na si Alonto Aminola Kasim, alyas Alonto,  27 anyos.

Bandang 6:30 pm nang mahuli  ang suspek ng mga tauhan ng Taguig City Police sa Road 14 Maguindanao St.,  Barangay New Lower Bicutan, ng nabanggit na lungsod.

Bunsod ng ikinasang buy-bust operation laban sa suspek, matapos makatanggap ng tip ang mga pulis hinggil sa ilegal na gawain habang ang isa sa mga operatiba ay nagpanggap na bibili ng droga.

Tinatayang nasa 500 gramo ng shabu, nagkakahalaga ng P3,400,000 ang nakompiska sa suspek.

Dakong 3:30 am nang madakip ang isa pang suspek na si Edrian Geronimo Chacon, 30 anyos, isa pang buy-bust operation ang ikinasa ng Parañaque City Police sa Angelina Canaynay Avenue, Barangay. San Isidro, Parañaque City.

Nasa 70 gramo ng shabu ang nakompiska mula sa suspek na may Standard Drug Price na P476,000.00.

Dinala ang illegal drugs na nasamsam ng mga awtoridad sa SPD Forensic Unit.

“I would like to commend our operating units for another laudable accomplishment that resulted in the confiscation of large amount of illegal drugs. We will remain aggressive in our fight against illegal drugs and other forms of criminality in southern metropolis,” pahayag ni P/BGen. Macaraeg. (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …