Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
James Reid Liza Soberano Ogie Diaz

James matapatan kaya o mahigitan ang P10-M TF ni Liza na trinabaho ni Ogie Diaz?

HATAWAN
ni Ed de Leon

MAY mga nagsasabi na minsan daw kumita si Liza Soberano ng P10-M sa isang commercial endorsement lamang, peroBiyong taong naka-discover sa kanya sa internet at tumayong una niyang

manager bago ang writer na si Ogie Diaz, na kinilalang isang Dudu UnayBay hindi yumaman. Binigyan lang daw ni Ogie Diaz ng pang-down payment sa kanyang kotse na mula sa komisyon ni Ogie, at binuno na niya ang pagbabayad ng kotse sa loob ng limang taon. Kay Liza, wala siyangbnakuha.

Kung iisipin  mo naman, sisikat kaya nang ganyan si Liza kung hindi ibinigay ni Dudu kay Ogie? Pero iyong Dudu, tinanggap niyang maging road manager na lang ni Liza, siya iyong kasa-kasama at umaalalay kay Liza. Lumalabas na tauhan na siya ni Ogie na siyang nagsusuweldo sa kanya. Ngayong nilayasan ni Liza si Ogie, wala na rin si Dudu.

Ganoon talaga ang kalakaran sa showbusiness eh. Iisipin mo lang na kaya ginawa mo ang isang bagay ay dahil kumita ka naman. Huwag ka nang maghihintay na tumanaw pa ng utang na loob ang artista dahil hindi nila alam iyon. Sasabihin nilang kaya sila sumikat ay dahil magaling sila.

Bihira ang nagkakaroon ng pagkakataong mapatunayan ng isang tumulong sa artista na tama sila, at iyan ay kungbbumagsak na ang tinulungan nilang artista. Kami, masasabi naming totoo iyan, dahil maraming lumapit sa amin noong araw, nagpatulong, masyadong naging matalino at ngayon ay hilahod na ang career. Alam naming mapatutunayan din iyan ni Ogie pagdating ng araw, at siguro masasabi na rin ni Dudu na tama siya. Ganyan naman lagi ang nangyayari eh.

Pero isang bagay ha, kung kami iyon, hindi namin babayaran ng P10-M si Liza para sa isang commercial endorsement lang. Ang galing ni Ogie para makumbinsi niya ang kliyente sa ganoong presyo. Tingnan natin kung magawa iyan ni James Reid. Kung hindi hahalakhak si Dudu Unay.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …