MATABIL
ni John Fontanilla
MASAYANG ibinahagi ni Marlo Mortel sa paglulunsas ng AQ Prime Stream na ginanap sa Conrad Manila ang pagtatagpo nila ng international singer na sina Bruno Mars at Anderson Paak.
Ayon kay Marlo na siyang bida sa pelikulang Huling Lamay hatid ng AQ FIilms na idinirehe ni Joven Tan, “Sobrang unforgettable ‘yung makita mo ng personal at maka-party mo ang isa sa pinakamahusay na musikero sa buong mundo at nagkataon pa na idolo ko si Bruno Mars
“Napaka-down to earth at kahit nga medyo nahihiya ako nang mahingan ako ng acapella song, sobrang saya dahil narinig nila akong kumanta.
“Ang masaya pa nagustuhan ni Anderson ( Paak) ‘yung boses ko and baka mayroon kaming gawing project, sana matuloy.
“And hopefully makatrabaho ko rin si Bruno Mars in the near future.”
Bukod sa personal na nakilala sina Bruno Mars at Anderson Paak, nagkaroon din ng pagkakataong mapanood ng live sa concert ang isa pa nitong hinahangaang singer, si Lady Gaga.