Thursday , May 8 2025
OWWA BDO Migrants Workers Day 2022

OWWA nagdiwang ng Migrants Workers Day 2022

NAIS pasalamatan ng buong bansa ang overseas Filipino workers (OFWs) na nagsasakripisyo sa ibang bansa para sa kanilang mga pamilya.

Tinatayang aabot sa 1,000 migrant workers kasama ang kanilang mga pamilya ang nakilahok sa naturang event na ginanap sa Mall of Asia (MOA) Pasay City.

Pinangunahan ni OWWA Director Hanz Leo Cacdac ang pagdiriwang katuwang ang iba’t ibang local government unit (LGUs) sa NCR, BDO, at ibang private sector na tumulong sa selebrasyon na may temang “Kabayan sa galing at sakripisyo mo, nakabangon ang mundo.”

Isasagawa rin ang pa-contest sa OFWs upang ipamalas ang kanilang natatanging talento sa ginanap na pagdiriwang.

Sa pamamagitan ng selebrasyon ng Migrant Workers Day, binigyan ng parangal o plaque of appreciation ang ilang individuals na partners ng OWWA na tumulong sa OFWs, na ginaganap tuwing ika-7 Hunyo taon-taon. (JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

NAIA Accident Driver

Sa trahedya sa NAIA
Driver ng SUV negatibo sa droga, alcohol

NEGATIBO ang lumabas na resulta nitong Martes, 6 Mayo, sa drug at alcohol test ng …

Erwin Tulfo

Erwin Tulfo, hataw sa bagong survey, nagpamalas ng matatag na voter base

ANIM na araw bago ang eleksiyon, patuloy na humahataw si Alyansa para sa Bagong Pilipinas …

050725 Hataw Frontpage

Menor de edad pinagtatrabaho sa illegal fish pen sa Sual  
2 CHINESE NATIONAL, 3 PINOY ARESTADO SA HUMAN TRAFFICKING

HATAW News Team DALAWANG Chinese national at tatlong Pinoy ang inaresto matapos iturong sangkot sa …

Makati City

Sa P240-M confidential funds ni Mayor Abby Binay vs criminality  
‘SHARP INCREASE’ SA KIDNAPPING, ROBBERY NAITALA SA MAKATI CITY

NAGKAROON ng ‘sharp increase’ o matalim na pagtaas sa insidente ng kidnapping, robbery at iba …

Money Bagman

Ransom money kay Que, dumaan sa 2 casino junket operators – PNP

TINUKOY ng Philippine National Police (PNP) ang dalawang casino junket operators na pinagdaanan ng ransom …