INIHAYAG ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nanatiling nakatutok ang MMDA Metropolitan Public Safety Office (MPSO) sa pagbabantay at pakikipag-ugnayan sa Disaster Risk Reduction and Management Units sa 17 Metro Manila local government unit (LGUs) tuwing may trahedya o kalamidad.
Ayon sa MMDA ang Metropolitan Public Safety Office (MPSO) ang nangangasiwa sa pagpapaigting ng disaster at emergency response efforts sa Metro Manila sa pakikipagtulungan sa ibang ahensiya ng pamahalaan.
Kasama rito ang mga pinasama-samang unit sa ilalim nito, ang MPSO ang nagpapatupad ng mga programa at polisiya para sa kaligtasan ng publiko.
Sa oras ng pangangailangan, sila ang agarang nade-deploy para magresponde kapag may tumawag sa Hotline 136 at kung nangangailangan ng agarang assistance. (GINA GARCIA)