Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Andrew Gan

Andrew Gan thankful sa AQ Prime, tampok sa pelikulang Upuan

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

SI Andrew Gan ay isa sa tampok sa Upuan, kabilang sa mga pelikulang mapapanood sa AQ Prime very soon.

Bukod kay Andrew, tampok dito sina Krista Miller, Nika Madrid, Rob Sy, at Atty Aldwin Alegre, directed by Greg Colasito.

Nagkuwento ang actor hinggil dito. “It’s a GL movie po (Girls Love), ako po iyong husband ni Krista Miller. Most of the GL movie natin sa Philippines is nasa perception ng guy. Pero ito perception naman ng girl, so bago ito para sa lahat. Isa pong drama-thriller movie ito.”

Nagpa-sexy ba siya rito? “Abangan!” Nakatawang reaksiyon ni Andrew. “Pero may mga first time akong ginawa dito sa film na ito,” aniya pa.

Pinuri rin niya ang co-stars niya rito. “Mahuhusay sila at masarap kaeksena. Super-gaan kasi ng set and super collaborative ni Direk Greg Colasito which is napaka-importante para mag-work iyong isang scene,” wika ni Andrew.

Ano ang reaction niya sa nangyayari sa kanyang career ngayon?

Tugon niya, “Sobrang laking pasasalamat po. Kasi sa panahon ng pandemic, maraming artistang walang work. So once na nabigyan ka ng chance, malaki man o maliit, grab it! Kasi hindi everyday and hindi lahat, nabibigyan ng opportunity. So make the most out of it.

“I’m really thankful din sa manager kong sir Leo Dominguez for guidance na ibinibigay niya and siyempre sa AQ Prime at kina Atty. Honey and Atty. Aldwin.”

Kinuha rin namin ang komento niya na may bagong streaming like AQ Prime?

“Masaya ako kasi muling mabubuhay iyong industry natin. Actually nakausap ko si Atty. Aldwin one time, tinanong ko siya kung bakit ito ‘yung naisip niyang itayo. Isa lang ang sagot niya, para makatulong sa industry natin. Mas maraming tao ang mabigyan ng work, artist, staff, press people. So naniniwala po ako na this will be big, kasi maganda and pure iyong intentions nila Atty. Honey and Atty. Aldwin,” saad pa ni Andrew.

Ang AQ Prime Entertainment ang pinakabagong streaming company na maghahandog ng mga pelikulang gawang-Pinoy kabilang na ang mga orihinal na likha, nirerenta o on-demand na mga palabas, pay-per-view live events, at cable channel subscription. Magiging unang pasabog ng AQ Prime at Director’s Cut by AQ simula ngayong Hunyo ang iba’t ibang pelikula at exciting na palabas sa naturang streaming platform.

Bukod sa Upuan,, kabilang sa mga kaabang-abang na pelikula nila ang Nelia, Pula Ang Kulay Ng Gabi, Anatomiya, Huling Lamay, Ligaw, Abandoned, Z Love, Losers-1, Suckers Zero, at Peyri Teyl. Pang-mature audience naman under Director’s Cut by AQ ang Adonis X, Bingwit, Mang Kanor, Cuatro, Amazona, Sosyal Medya, Baka Sakali, La Traidora, at marami pang iba.

Magiging live ngayong June 2022, ang AQ Prime ay magdadala ng libo-libong oras ng streaming entertainment para sa mga smartphone at TV sa buong Pilipinas, at maging sa iba pang bansa sa Southeast Asia, Middle East, South Korea at North America.

May listahan din ang AQ Prime pagdating sa mga classic Filipino show at movie, pati na rin mga bago at kapana-panabik na independently produced film.

And take note, winner ang offer nilang pisong subscription fee sa unang buwan! Kaya tiyak na excited na ang maraming mahilig manood ng pelikula at kung ano-ano pang connected sa entertainment sa pagdating ng AQ Prime.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …