DEAD on the spot ang 38-anyos na rider nang masagi ang kaniyang minamanehong motorsiklo ng kasabayang dump truck sa kahabaan ng Quezon Avenue, Quezon City, nitong Lunes ng madaling araw.
Ang biktima ay nakilalang si Eric Tolentino Ibardaloza, 38, may asawa, electrician, at residente ng 72 Lydia Sta Monica Novaliches, Quezon City.
Agad namang naaresto si Nepali Reyes Joson, 22, binata, driver, at naninirahan sa Mainay St., Santa Ines San Miguel Bulacan.
Sa report ng Traffic Sector 6 ng Quezon CIty Police District (QCPD), bandang 1:00 ng madaling araw (June 6) ng maganap ang aksidente sa Quezon Avenue underpass sa Brgy. Bagong Pagasa, sa lungsod.
Batay sa imbestigasyon ni PMSg Reginald J Dela Cruz ng Traffic Sector 6, kapwa binabagtas ng biktima sakay ng Suzuki Skydrive (NE78598) at ng minamanehong dump truck (NET-2691) ng suspek ang Quezon Avenue mula sa direksiyon ng Elliptical Road patungong Manila.
Pero pagsapit sa underpass nasagi ng dump truck ang sinasakyang motorsiklo ng biktima.
Sa lakas ng impak ay tumilapon ang rider at tumama ang ulo sa semento na agaran nitong ikinamatay, ayon sa team leader na si Arnold Delantar ng ambulance namay body no. 048.
Nakapiit na ang suspek habang inihahanda ang kasong Reckless Imprudence Resulting in Damage to Property with Homicide laban sa dump truck driver. (Almar Danguilan)