Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Moira dela Torre

Moira sinisi ang sarili — Saan ako nagkulang?

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

BAGAMAT naunang umamin ng pagiging unfaithful ni Jason Marvin Hernandez sa kanyang asawang si Moira dela Torre, sinisi rin ng singer/composer ang sarili sa pagkawasak ng kanilang pagsasama.

Ani Moira, napapaisip din siya kung bakit nagwakas agad ang pagsasama nila ni Jason bilang mag-asawa sa loob lamang ng tatlong taon.

Sinabi ni Moira na iniisip din niya kung mayroon din siyang pagkukulang bilang asawa kaya nagkaroon ng lamat ang kanilang pagsasama. Inilahad ito ni Moira kahapon sa Magandang Buhay nang matanong siya ni Regine Velasquez kung sinisisi niya ba ang sarili sa nangyari.

Sobra. Sa lahat naman ng pinagdaraanan ko sa buhay, laging ‘yun ang initial reaction ko, eh.

“I always say, ‘What did I do wrong?’ So, especially now, ‘Saan ba ako nagkulang?’ Dati, akala ko, ‘yung paubaya kanta ko lang.

Pero tinatanong naman talaga natin ‘yun sa sarili natin saan tayo nagkamali, saan tayo nagkulang, hindi lang sa relationships, sa career, kung anuman.

“I also know na God makes all things beautiful in His time. And ‘yun talaga ang pinanghahawakan ko, na I may feel like a broken glass right now, but God will make me a diamond again. And I know I’ll be whole again. I know he’ll (Jason) be whole again,” mahabang paliwanag pa ni Moira.

And because He is with me, I can forgive. Dahil may Diyos ako sa buhay ko, malaya ako,” giit pa ng singer na nagsabing hindi niya inakalang maghihiwalay sila ni Jason.

Sinabi pa ni Moira, habang “nagluluksa” siya sa hiwalayan nila ni Jason, pwede na niyang isabay ang pagmu-move on.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …