Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jodi Sta Maria Zanjoe Marudo

Jodi nasagad gusto nang mag-quit sa showbiz

IIWAN na ni Jodi Sta Maria ang showbiz dahil sagad na sagad na siya. Ito ang ipinagtapat ng aktres sa media conference ng The Broken Marriage Vow kahapon.

Bago matapos ang media conference, ipinagtapat ni Jodi na, “This role has really pushed me to the edge kumbaga pushed me to my limit parang heto na ‘to, hanggang dito na ‘to. 

“I clearly remembered, after we all watched the trailer, may papiging doon sa gilid. We were all happy na finally nakita na namin ‘yung glimpse ng ginawa namin but parang I just told Zanjoe and Direk Andoy (Ranay), sabi ko, ito na ‘yung huling project ko. Sabi ko, after ‘TBMV,’ ayoko na,” pagtatapat ni Jodi na gumanal bilang Dra. Jill sa The Broken Marriage Vow na malapit nang magtapos. 

Sinabi pa ni Jodi na kinuwestiyon niya ang sarili at nag-isip kung ano pa nga ba ang maibibigay niya bilang artista.

Hindi ko alam kung unang-una, mayroon pa ba akong mabibigay sa susunod na project na feeling ko lahat na ibinigay ko na rito. Hindi talaga naging madali eh, feeling ko heto na ‘yun, wala na akong ibang magagawa after this,” paglalahad pa ng aktres.

Sabi ko nga kapag kumukuha ako ng bond paper nagta-try ako ng isang bagong character, wala talaga, parang feeling ko lahat ng creative juices ko na-cut off. Ang naisip ko, kung artista ka at ganito ka kaubos ano pang pwede mong gawin?” sambit pa ng aktres.

Nasabi pa ni Jodi na pagkatapos ng lock-in taping nila roon niya naisip na sobra siyang napagod sa TBMV. Na kailangan lang niya ng pahinga.

Pagkalabas ko ng lock-in taping, I realized that I was so tired. I was physically, emotionally, and mentally exhausted from playing the role of Dra. Jill kasi feeling to talaga wala na eh. Nasagad talaga.

“All I really needed lang pala was a break, to recharge, to relax, to just kalma.”

At after ng The Broken Marriage Vow hindi pa alam ni Jodi kung ano pa ang susunod niyang gagawin. Sa ngayon, gusto muna niyang tutukan ng netizens ang tatlong linggong pasabog ng kanilang serye na tiyak lalong ikapanggigigil ng mga sumusubaybay nito.

Ang TBMV ay napapanood saKapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, A2Z Channel 11, at TV5. Tampok din dito sina Zanjoe Marudo, Sue Ramirez, Zaijian Jaranilla, Ketchup Eusebio, Jane Oineza, at idinirehe nina Connie Macatuno at Andoy Ranay. (MVN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …