Wednesday , May 7 2025

Sindikato ng droga, muling binigo ng QCPD

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

Muling pinatunayan ng Quezon City Police District (QCPD) na well deserving ang pulisya sa mga natatanggap na parangal kaugnay sa kampanya laban sa ilegal na droga lalo na sa pagdurog sa malalaking grupo ng sindikato ng droga.

Katunayan, noong Abril 2022, si QCPD Director, PBrig. Gen. Remus Medina, ay pinarangalan ng Congressional award para sa Outstanding Achievement kaugnay sa pinaigting na kampanya ng opisyal at QCPD laban sa ilegal na droga.

Matapos ang parangal, hindi nagbago ang QCPD sa gera laban sa droga – magkakasunod pa rin na drug operations ang isinagawa na nagresulta sa pagkakadakip ng mga hinihinalang drug suspect – small time at big time kasabay ng pagkakakompisa ng droga – shabu at pinatuyong dahon ng marijuana.

At nito ngang Lunes, Mayo 30, 2022, ay ipinaramdam pa rin ng QCPD sa mga sindikato ng droga na hindi nagbago, hindi lumaylo ang pulisya sa kanilang kampanya laban sa droga.

Lalo pa ngang pinaigting ni Medina ang kampanya – halos hindi na natutulog ang Heneral sa pagbibigay suporta sa kanyang mga opisyal at tauhan upang lalo pang ganahan magtrabaho.

Nitong ngang Lunes, nabigo ang sindikato ng droga sa planong magbagsak ng droga sa lungsod ito ay makaraang maaresto, este mapatay pala ang dalawang bigtime drug suspect sa nangyaring buy bust operation.

Dakong 3:45PM, nagsagawa ng buy bust operation ang tropa ng QPD District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa pangunguna P Lt Col. Roland Vergara, sa Brgy. UP Campus, Diliman, QC partikular na sa Pook Arboretum Road.

Napatay ang dalawa makaraang paputukan ng baril ang mga operatiba makaraang matuklasan na mga pulis -QC ang kanilang katransaksyon. Siyempre, para depensahan ang kanilan sarli ay napilitan nang manlaban sa tropa ng pulisya kaya napatay ang dalawang suspek.

Hindi naman napatay sa mismong pinangyarihan ang dalawa kung hindi ay hindi na umabot sa East Avenue Medical Center kung saan sila isinugod nang dahil sa tama ng bala sa kanilang katawan.

Hayun, ang operasyon na nagresulta sa pagkabawas ng dalawang salot sa lungsod ay nagsesulta din sa pagkakompiska ng 10 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P68 milyon.

Tulad ng nabanggit, ang opersyon ay patunay lamang na ang QCPD o si Medina ay hindi kailanman lumamig sa kampanya nito laban sa droga. Hindi naman lingid sa kaalaman natin na si Medina ay dating hepe ng PNP Drug Enforcement Group kung saan, hindi matatawaran ang kanyang kampanya laban sa droga kung kaya ang heneral at ang kanyang hinahawakang opisina ay madalaas na pinararangalan.

Kaya, sa mga sindikato ng droga, kalimutan niyo na ang planongg pagpasok ng droga sa Kyusi dahil habang si Medina ang nakaupo sa QCPD, hinding-hindi kayo magtatagumpay.

Sa iyo Hen. Medina, sampu ng mga bumubuo ng DDEU, ang gagaling niyo. Congratulations!

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Ano na ngayon ang tingin ng mga botante kay Pulong?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SINABI ni Congressman Pulong Duterte na ipapa-“authenticate” niya sa …

Sipat Mat Vicencio

FPJ Panday Bayanihan Partylist para sa mapayapang halalan

SIPATni Mat Vicencio ILANG araw na lang at tuluyan nang magdedesisyon ang taongbayan kung sino …

Dragon Lady Amor Virata

Fake news requirement na National ID para sa pagboto, ayon sa Comelec

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SABI ng Commission on Elections (COMELEC), ‘wag maniniwala sa …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit pipi ang PDP sa isyu ng West Philippine Sea?

AKSYON AGADni Almar Danguilan BUKOD sa trabaho, food security, at kalusugan, isang pangunahing election issue …

Sipat Mat Vicencio

Nelson Ty kay Isko: Yes, let’s make Manila great again!
“TAGUMPAY NI ISKO, PANALO NG MAYNILA!”

SIPATni Mat Vicencio ITO ang pahayag ni dating Barangay Chairman Nelson Ty, tumatakbong konsehal ng …