Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jace Roque

Jace Roque ‘babawi’ sa pagbabalik sa music scene

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

DALAWANG taon mang nawala ang Top EDM artist na si Jace Roque bumawi naman siya sa kanyang pagbabalik sa pamamagitan ng pagri-release ng dalawang single.

Ayon kay Jace sa one on one zoom namin sa kanya kamakailan, nagpahinga siya sandali para harapin ang kanyang depresyon. Humingi siya ng professional help para ma-address ito kaya naman ngayon ay balik na siya sa pagkanta at pagsusulat ng mga awitin.

Nakatutuwa nga dahil akala ko ‘yung pagkawala ko dahil sa depresyon at dahil na rin sa pandemic babalik ako sa zero. Pero noong i-release ko yung single ko, agad itong tinangkilik ng fans ko. Hindi pala nila ako iniwan,” masayang pagbabalita ni Jace.

Ang tinutukoy na dalawang single ni Jace ay ang Tagalog na awiting ‘Di Para Sayo na ini-release niya noong April 22 at ang English single na Be Someone na ini-release naman noong May 20.

Noong ini-release ko po itong ‘Di Para Sayo’ naging no. 25 po agad sa iTunes Philippines at na-feature siya sa Spotify Philippines. Nagkaroon din po agad ito ng 600,000 views sa Facebook.

Ang ‘Di Para Sayo ay tungkol sa journey ko to rediscovering my self-worth na parang after magmahal ng 110 percent ay mare-realize ko na hindi pala para sa kanya, hindi siya karapat-dapat sa pagmamahal ko so I ended up loving myself na lang. Na-inlove ako at ibinigay ko lahat-lahat na halos walang natira para sa akin. Pero hindi naman pala worth ‘yung taong pinagbigyan ko nang sobra-sobrang pagmamahal. Na-realize ko na hindi pala dapat ganoon. Dapat nagtitira ka rin ng para sa sarili. Dapat unahin mo munang mahalin ang sarili mo,” ani Jace. 

Ang ‘Be Someone’ naman ay journey ko sa showbiz, ‘yung having to meet unrealistic expectations from my family, friends and the industry. Kasi I grew up in the industry. Kung paano siya naka-affect sa akin at kung paano siya naka-damage sa akin na parang hindi ko alam kung ano ang identity ko and I just want to be myself and I want to let my personality shine, may artistry to shine,” esplika pa ni Jace.

“Bale isa rin ‘yung tungkol sa love sa naka-contribute kaya ako nagkaroon ng depression,” sabi pa ni Jace. 

Idinagdag pa ni Jace na sa pagbabalik niya gusto niyang makagawa ng musika na malapit sa kanyang puso. Bukod nga sa bagong single, nagbabalik si Jace with his brand new look na aniya’y nagpapakita ng kanyang personal fashion. Nag-rebrand din siya ng sarili niya bilang P-pop soloist.

Ayaw na rin muna niyang magmahal dahil gusto muna niyang mag-focus sa pagkanta.

Ayaw ko muna, gusto ko mag-focus sa singing ko. Gusto ko rin ituloy ‘yung gusto ko noon pa na makapag-contribute sa OPM,” sambit pa ni Jace na patuloy na gagawa pa ng mga awitin para mabuo ang isang album na ire-release niya this year.

Gusto ko ipaalam sa fans ko na may malaki akong plano. Bukod sa album, gusto kong makapag-concert next year. And for sure simula ngayon, madalas na nila ako makikita at maririnig,” pangako ni Jace. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …