Saturday , May 10 2025
Mayor APSU Cup Chess

Chess prodigy Arca naghari sa Kiddies 14 under tournament

MANILA—Tinanghal na kampeon si Christian Gian Karlo Arca, ang pinakabatang  Arena Grandmaster (AGM) sa edad na 11 matapos dominahin ang Mayor APSU Cup kiddies 14 under chess tournament na ginanap sa Mantangale Alibuag Dive Resort, Balingoan, Misamis, Oriental nung Huwebes, Mayo 26, 2022.

Ang ipinagmamalaki ng Panabo City, Davao Del Norte ay nakalikom ng 5.5 points na may 5 wins at 1 draw sa event na inorganisa ng LGU Balingoan at Balingoan chess club.

“Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa kasalukuyan.   Ang pagkakapanalo ko sa Mayor APSU Cup kiddies 14 under chess tournament ay mahalaga sa akin,” sabi ni Arca na suportado ang kanyang local at international campaign ni Atty. Jong Guevarra.

“I’m really happy,” sabi ng National Master (NM) Arca na naghari sa over the board chess tilt na may time control format 15 minutes plus 5 seconds increment.

Kabilang sa mga tinalo ni Arca ay sina John Chon Tambeling sa first round, Quarl Maverick Vera Cruz sa second round, Ruelle Canino sa third round,  Lyn Getubig sa fourth round, Kyla Dalagan sa fifth round bago tumabla  kay Keith Adriane Ilar sa sixth at final round.

Sariwa pa si Arca sa pagiging  board 1 sa Panabo City chess team na tumapos ng  malakas na  runner-up place sa NM Zulfikar Aliakbar Sali 2022 Inter-Cities & Municipalities Chess Team Championship nitong Mayo 22, 2022 na ginanap sa SM City Mindpro, Zamboanga City.

Ang 13 years old Arca na Grade 7 STE – Section Universe pupil ng  Panabo City National High School ay muling masisilayan sa paglahok sa NAGCC Semi Final U14 Open (Mayo 28-29, 2022) na ilalaro  via online Tornelo platform at sa CDO Tatluhan Team Tournament sa Hunyo 4-5, 2022.

– Marlon Bernardino –

About Marlon Bernardino

Check Also

Shaunna Polley Olivia Macdonald Volleyball World Beach Pro Tour Futures Nuvali

Kiwis, kampeon muli sa BPT Futures Nuvali para sa ikalawang sunod na gintong medalya

NAKAMIT nina Shaunna Polley at Olivia Macdonald ng New Zealand ang kanilang ikalawang titulo sa …

Alyana Nicolas pole vault ICTSI Philippine Athletics Championships

Nicolas, matagumpay na naipanalo muli ang women’s pole vault title sa ICTSI PH meet

CAPAS, Tarlac – Muling pinatunayan ng Fil-Am na si Alyana Nicolas ang kanyang pagiging nangungunang …

Pia Cayetano Padel Pilipinas

Pia Cayetano nais palaguin ang Padel sa buong bansa

TULOY-TULOY ang suporta ni Senador Pia Cayetano para sa mga national coach at atleta ng …

Florentino Inumerable

Florentino Inumerable, kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Championships

HINDI lang nagwagi kundi kampeon ang beterano at United States chess master na si Florentino …

Darell Johnson Bada Yukiho Okuma NTT Asia Triathlon Cup sa Subic

Nangibabaw sina Bada ng PH at Okuma ng Japan sa elite junior sa Subic International Triathlon

OLONGAPO City, Zambales – Nakopo ng Pinoy na si Darell Johnson Bada ang kampeonato sa …