Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Adrianna So Pathirsty

Adrianna So, tiniyak na fun na sexy ang pelikulang PaThirsty

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

IPINAHAYAG ni Adrianna So, isa sa lead stars ng pelikulang PaThirsty na ito ang isa sa biggest break niya at most daring project.

Tampok sa Pathirsty sina Adrianna at Kych Minemoto na nakilala dahil sa hit web series. Co-starring sa pelikula sina Alex Diaz, Chad Kinis, Bob Jbeli, at Kate Alejandrino.

Saad ni Adrianna, “Yeah, well game Boy happened, but then, eto… kasi somehow, mayroon ng sarili si Pearl, e. So, kasama siya, isa siya sa biggest break ko and yeah, ito ang pinaka-daring na project ko.”

Ano ang ipinasilip niya sa movie? Nakangiting tugon niya, “Ang ipinasilip ko rito? Siguro ‘yung sexy side ng character ko, iyon ang makikita nila sa movie.”

Gumanaganp dito si Adrianna bilang isang match maker, in real life naging ganito na ba siya? “Oo naman, favorite ko iyon, kasi I love, love and gusto ko lang na i-celebrate ito lagi. Yes, naka-relate ako sa character ko rito bilang si Pearl.”

Vivamax level ba ang pa-sexy na mapapanood dito sa PaThirsty?

Esplika ng aktres, “May mga nakita na rin po ako na sexy moves ng Vivamax. Kung ganoong level ba? I don’t wanna compare, kasi siyempre ay may kanya-kanyang characteristics ang each project. Pero I would say na this is really sexy, fun na sexy, kaya dapat po nila itong abangan.”

Mula sa same universe ng hit BL franchise na Gameboys, kuwento ito ni Pearl (Adrianna) at Achilles (Kych), ang mag-besties na parehong broken hearted dahil sa kanilang failed relationships. Habang nagpapakalunod si Achilles sa alak at sa social media ang kanyang feelings, sinusubukan namang kalimutan ni Pearl ang sakit at pait sa pamamagitan ng pag-e-enjoy sa kanyang sexcapades.

Dahil gustong matulungan at maging masaya ang best friend matapos mapanood ang mga social media meltdowns, mag-aala Kupido si Pearl at hahanapan ng perfect dream guy si Achilles. Dito nila makikilala si Ali (Alex), isang guwapo at mayamang binata na may magandang katawan at tagapagmana ng business empire ng kanyang ama. Instant hit at magki-click agad si Achilles and Ali, at magiging masaya si Pearl sa pagiging matchmaker niya para sa inaakalang perfect happy ending ng kanyang best friend. Pero biglang magiging komplikado ang sitwasyon dahil sa hindi inaasahan, pati pala si Pearl ay mahuhulog ang loob kay Ali. Sa pagkakaipit nila sa sitwasyon at magulong love triangle, sino nga kaya ang makakatuluyan ni Ali? Maging friendship over na kaya sina Pearl at Achilles? Samahan silang tatlo sa isang wild at chaotic adventure habang hinahanap ang totoong ibig sabihin ng pagmamahal.

Mula sa director ng Game Boys, Ivan Payawal, maging isa sa unang makakanood ng Pathirsty sa Vivamax Plus ngayong June 1, 2022 at available naman sa Vivamax ngayong June 29, 2022, at Mag-subscribe na sa Vivamax sa halagang P149 kada buwan, at P399 naman para sa tatlong buwan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …