Friday , November 15 2024
cal 38 revolver gun Shabu Drugs

5 drug suspects kulong sa droga, mga baril at bala

HULI ang limang drug suspect sa isinagawang pagsalakay ng mga operatiba ng Southern Police District – Drug Enforcement Unit (SPD-DEU), District Intel Division, at District Mobile Force Battalion sa isang drug den sa C6 Service Road, Barangay New Lower Bicutan, Taguig City.

Sinabi ni SPD Director, P/BGen. Jimiili Macaraeg, ang drug den ay minamantina ng isa sa mga suspek na si Christopher Estillore Oroyan, 47 anyos, contractor, residente sa C6 Service Road, Barangay New Lower Bicutan, Taguig City.

Apat na umano’y kliyente ni Oroyan, sinasabing gumagamit ng ilegal na droga ang kasamang hinuli na sina Mark Jacinto Mamonon, 46, landlord; Ronaldo Ocampo Marcelino, 55, kapwa residente sa Taguig, habang si Domingo Tabamo Mata, 49, ay dayo mula sa Pateros.

Dakong 12:45 am nang isagawa ang operasyon sa nasabing address.

Nakompiska ang siyam na sachet ng shabu, may bigat na 42 gramo at nagkakahalaga ng ₱285,600.

Isang Colt caliber .45, may serial No. 414829; isang Punisher caliber .45, at isang brown coin purse, ang mga nakuha sa drug den.

Nakapiit pansamantala ang suspek sa District Custodial Facility para sa kaukulang disposisyon habang inihahanda ang mga kasong sa paglabag sa Sections 5, 6 at 11 Republic Act A 9165, at paglabag sa RA 10591. (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …