Friday , November 15 2024
Baby Hands

Sanggol na babae iniwan sa kalye

NAKASILID sa isang kahon ang tinatayang 7-araw gulang sanggol na babae, natagpuang iniwan sa gilid ng kalye sa tapat ng isang puno, sa Makati City, nitong nakalipas na Biyernes, 27 Mayo 2022.

Inilipat sa pangangalaga ng Social Welfare Development Center ng Makati ang sanggol kasunod ng pag-turn-over sa barangay hall ng mag-asawang nakapulot.

Ayon sa desk officer ng Violence Against Women and Children Desk ng Barangay Bangkal na si Edna Felix, napansin ng mag-asawa ang kahon na nasa ilalim ng puno sa Capt. M. Reyes St., nang nadiskubreng beybi ang laman, agad dinala sa nakasasakop na barangay.

Maayos umano ang kondisyon ng sanggol na ipinasuri muna sa health center.

Nabatid na nag-ambagan ang mga residente ng barangay para maibili ng pangangailangan ang sanggol.

Naging katuwang ng VAWC ng barangay si P/SSgt. Jasmin Mae Danao ng Makati PNP na nagpadede ng kanyang gatas dahil nagkataong siya ay may 5-buwang sanggol na anak.

Nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya para matukoy ang taong nag-abandona sa sanggol.

Nakunan ng closed circuit television (CCTV) ang hinihinalang ina ng bata, pero hindi namukhaan dahil sa suot na face mask at nakapayong na nanggaling umano sa EDSA, hindi sakop ng barangay. (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …