ni Ed de Leon
NOON nagyayabang ang isang male star na kung saan-saan na nanggaling nang kunin siya ng isang network, pero malas daw nasara ang network at ang nagpaasa sa kanya na mabibigyan siya ng malaking break nadamay sa sarahan. Ang masakit wala namang nagbigay sa kanya ng chance sa nilipatan niya bagama’t may nagka-interes din sa kanya.
Ang latest na tsismis, nakipag-date naman siya sa isang bading na production executive na nangako sa kanya ng labas sa tv at mga indie film. Ewan lang kung maging totoo o OPM na naman.
Mahirap kasi iyong nag-aartistang umaasa lang sa ganyan.