Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marian Rivera Rhea Tan Beautederm

Pagmamahal ni Marian ramdam na ramdam ni Rhea Tan

MATABIL
ni John Fontanilla

MULING pumirma ng panibagong  kontrata si Marian Rivera-Dantes sa Beautederm Home ng another 30 months na ginanap kamakailan sa Luxent Hotel, Timog, Quezon City.

Hindi naging mahirap para  kay Marian ang muling pumirma ng kontrata sa Beautederm dahil na rin sa bukod sa bilib siya sa produkto at ginagamit niya ito sa kanyang bahay, mas nangibabaw ang solid friendship at love sa isa’t isa ng napaka bait at generous na CEO & President ng Beautederm na si Rhea Anicoche-Tan.

Kuwento ni Ms Rei, “Love na love ko siya. I appreciate her so much. Bina-value niya, hindi lang as client relationship. 

“Nararamdaman ko na kahit hindi ako kasing yaman ng ine-endorse niya, sobrang love niya ako.

” Alam mo ‘yon? Hindi ‘yon mabibili ng kahit na anong pera.

Dagdag pa nito, “Siya ‘yung tipo ng friend na napaka-loyal. Ipaglalaban ka niya. Iba siyang klase ng tao.

Ibang klaseng endorser si Marian ayon kay Ms Rei dahil mahusay itong mag-promote ng mga produkto ng Beautederm Home at talagang ginagamit nito at makikita mo sa kanyang tahanan. Ipino-promote rin nito sa kanyang mga kaibigan maging sa kanyang mga social media accounts ang produkto, kaya naman love na love ito ni Ms Rei dahil sa pagmamahal at malasakit ni Marian sa Beautederm Home.

Kasabay ng pagpirma muli ni Marian sa Beautederm Home ang paglabas ng dalawa sa bagong produkto nito ang Limited Edition Soy Candles and Multi Purspose Fresheners.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …