Thursday , March 30 2023
PROMDI ni Fernan AngelesI
PROMDI ni Fernan Angeles

Murang kuryente, langis possible kahit hindi ibasura tax measures

PROMDI
ni Fernan Angeles

KUNG gusto may paraan. Ito ang diin ni Energy Undersecretary Benito Ranque kasabay nang paghahayag ng mga pamamaraan kung paano pababain ang presyo ng kuryente at langis nang hindi na kailangan pang suspendihin ang excise at value-added tax.

Pagtitiyak ni Ranque, lubhang mahalaga ang bawat sentimo ng buwis na nalilikom ng gobyerno mula sa sektor ng enerhiya, lalo pa’t nahaharap na matinding pagsubok ang pamahalaan sa gitna ng krisis sa langis at patuloy na banta ng pandemya. 

Aniya, posibleng matabasan agad ng P3.26 ang presyo kada litro ng gasolina at P1.40 naman sa krudo kung didinggin ng Kongreso ang kanyang panawagang pagbalangkas ng isang House resolution na magbibigay daan sa suspensyon ng Biofuels Act of 2006 na nagtatakda ng ‘additives’ sa mga produktong-petrolyo.

Para sa naturang opisyal, ang ‘additives’ ay nakakadagdag lamang sa presyo ng mga produktong-petrolyong karaniwang gamit sa mga pampublikong transportasyon at mga industriyang nagbibigay empleyo.

“Those additives should be made an option. Hindi naman talaga kailangan ng mga pampasaherong dyip at bus ang additives. Those additives are meant to induce performance ng mga mamahaling sasakyan,” paliwanag pa ni Ranque.

Sa usapin ng mataas na buwanang singil sa kuryente, hinikayat niya ang susunod na administrasyon na palawakin ang mekanismo ng lifeline subsidy sa P800 mula sa kasalukuyang P400 kada buwan para sa mga konsyumer na kumokonsumo ng 100 kilowatts kada buwan.

“Eh sino lang ba ang ganun ang konsumo? Hindi ba yung mga pobreng Pilipinong walang aircon, refrigerator at mga appliances sa bahay,” pahabol pa ni Ranque na kinokonsidera para maging Kalihim ng Department of Energy (DOE).

About Fernan Angeles

Check Also

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Katarungan, pangako ni QC Mayor Joy para kay TE Antolin

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKALULUNGKOT ang nangyari nitong nakaraang linggo sa isang traffic enforcer ng …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Magic trick sa asukal

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BATAY sa pinakahuling imbentaryo ng mga kaso na inilabas …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Lumiliit na ang mundo para kay Arnie

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. INIIMBESTIGAHAN si Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves matapos …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Nasaan na ang magagaling  na mambabatas?

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGAMAT hindi sinasadya o walang may kagustuhan sa nangyaring pagtatapon ng …

Dragon Lady Amor Virata

Transport strike tinabla dahil sa magugutom na pamilya

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata HINDI naparalisa at nabigong makakuha ng malaking suporta ang …