MATABIL
ni John Fontanilla
DREAM come true para kay Marlo Mortel ang makita nang malapitan ang world renowned boy group na BTSnang manood siya ng concert ng grupo sa Las Vegas, Nevada, USA.
Kuwento ni Marlo, “Tito John it’s a once in a lifetime experience at dream come true ang mapanood ko ng live in concert ang BTS.
“Napakagaling nila, makikita mo sa kanila ‘yung sobra-sobrang dedication sa pagpe- perform and ang ganda ng cocept ng concert nila, sobrang nakai-inspire.
“Siyempre nagpapasalamat ako sa KUMU dahil sila ‘yung reason kung bakit ako nakapanood ng concert ng BTS sa Las Vegas na libre lahat mula sa ticket papunta ng Las Vegas at pauwi ng Pilipinas. Free hotel, may allowance pa and ang manood nga ng concert ng BTS, ‘yun ay dahil nanalo at nag -top-one ako sa campaign ng KUMU na ang premyo ay ang mapanood ng live ang BTS in concert.
“Nakatutuwa rin dahil ang dami kong nakilalang fans ng BTS around the world.”
Bukod sa panonood ng concert ng BTS, nagkaroon din ng pagkakataon si Marlo na malibot ang ilan sa magagandang lugar sa Amerika.