Monday , December 23 2024
Kathryn Bernardo Family

Kathryn Bernardo ambassador na ng Biogesic

IKINASIYA at ikinakilig ni Kathryn Bernardo ang pagiging health ambassador ng pinaka-pinagkakatiwalaang brand para sa sakit ng ulo at lagnat, ang Biogesic.

Walang reason to say no to Biogesic kasi it is such an honor to be part of the brand,” bungad ng dalaga habang naka-lock in taping para sa kanyang bagong TV series na 2 Good 2 Be True katambal ang kanyang reel and real love team na si Daniel Padilla.

Si Kath ang bagong personalidad sa Biogesic family kasama ang seasoned actress na si Jodi Sta. Maria na pitong taon nang brand ambassador. Naunang endorser ng Biogesic si John Lloyd Cruz na tumatak ang kanyang iconic na “ingat” salute.

Super fan ako ni John Lloyd and growing up napapanood ko ‘yung commercial niya na sobrang identified sa kanya. Ngayon, part na rin ako ng Biogesic brand and it’s really one of my biggest blessings,” dagdag ni Kath.

Brand recall aside, talagang napakadali kay Kath na tanggapin ang bago niyang role bilang health advocate dahil sa tiwala na mayroon siya sa produkto.

Gaya ng maraming pamilyang Filipino, lumaki ako na may Biogesic sa bahay namin. Hindi kami pwedeng mawalan dahil ‘yan ang lagi naming iniinom para sa lagnat at sakit ng ulo. Noong bata pa ako, liquid pa muna. Noong lumaki na kami, tablet naman. Trusted brand ng mom ko ang Biogesic kaya ako rin.”

Ang Biogesic ay headache and fever relief medicine na pwedeng inumin ng mga buntis, breastfeeding moms, at elderly – kahit pa walang laman ang tiyan! May higit 50 years na itong naghahatid ng ginhawa sa milyon-milyong Filipino.

Nandiyan ang Biogesic for the longest time because of its effectivity and because many people believe in the brand, including myself. Wala na itong kailangang patunayan, automatic na ‘yan ‘pag Pinoy ka, may Biogesic ka sa bag or sa first aid kit ‘nyo sa bahay,” patotoo ni Kath.

It’s good to be ready especially sa mga panahon na ito na bawal tayong magkasakit. Ito rin ‘yung way ko to protect my loved ones, I like to keep myself healthy to keep them healthy,” dagdag pa ng dalaga na tugmang-tugma sa 2022 campaign ng brand na #AlagangBiogesic: Languages of Care.

Para kay Kath, importante na maiparamdam niya sa kanyang pamilya at mga kaibigan ang kahalagahan nila na siya ring isa sa mga core values ng brand na kanyang ineendoso.

“I have a very small circle of friends, but that’s my core. I make time for them kasi busy din ako kaya nasa akin talaga kung paano ko ime-maintain ‘yung friendship. So during my free time, I make sure na maramdaman nila that I am there for them.

“Ako yung type of friend na mahilig mag-video call instead of text. Gusto ko kasi nakikita ko ‘yung kausap ko para feeling ko magkaharap lang tayo na nagchi-chikahan.”

Ganoon din si Kath sa kanyang pamilya. “Sometimes it’s the little things, like kung kailangan mo ako, or kahit ayaw mo pero feeling ko kailangan mo ako, I would go to you, ganoon ako.”

Isa sa mga care languages ni Kath ay ang pagsosorpresa sa pamamagitan ng pagpapadala ng pagkain. “Kasi iniisip ko parati, ganoon din ako. I like ‘yung feeling na inaalagaan and may nagke-care, so ‘yun ‘yung ginagawa ko.”

Bukod sa pag-aalaga ng mga malalapit na kaibigan, may advocate rin si Kath ng tinatawag na self-care dahil alam niyang kailangan niya ito upang patuloy na maalagaan ang mga mahal niya sa buhay.

First thing in the morning, I work out. Feeling ko naha-happy ako after and that’s a good way to start my day. Gusto ko rin pina-pamper ang sarili ko by getting my nails done or magpa-facial. Gustong-gusto ko ang me-time.”

Humihingi rin si Kath ng free days from work lalo na kung sa tingin niya ay sunod-sunod na araw na siyang nagtatrabaho. Aniya, mahalaga na maging balanse ang buhay at isang paraan ay ang makasama niya ang mga taong mahalaga sa kanya.

I like to be spontaneous. Kung feel ko biglang mag-out-of-town, ite-text ko ‘yung mga kaibigan ko na ‘overnight tayo’ or tambay lang sa bahay and then may pupunta roon na mga kaibigan. Nakaka-recharge na ‘yun for me.”

Sa mga pagkakataon naman na tinatamaan si Kath ng sakit na dala ng pagod, puyat at stress, ang kanyang mommy ang lagi niyang takbuhan. “Clingy ako kapag may sakit. Gusto ko ‘yung feeling na may nag-aalaga. Tapos request ko parati sopas, ‘yung maraming butter, ‘yung kulay yellow na ‘yung sabaw sa dami ng butter.

And kung kailangan, inuman din talaga ng medicine like Biogesic. Tapos mafi-feel mo na na pinapawisan ka and you’re getting better!”

Para kay Kath, pamilya at mga kaibigan, sapat na pahinga, at tamang nutrisyon ang kailangan ng katawan para labanan ang sakit. Katuwang ang trusted and proven effective na gamot para sa sakit ng ulo at lagnat.

If you feel like you’re coming down with something, inuman mo na agad ng gamot, inuman mo na ng Biogesic,” giit pa ni Kath.

Para mapanood ang bagong ad campaign ni Kath, i-click lang ang https://www.youtube.com/watch?v=-F7JRNHJnrA .

About hataw tabloid

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …