Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Baron Geisler Pusoy

Baron nahiya sa 7 daring scenes sa Pusoy; Kung kailan nag-40 at saka naghubad

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

PITONG sexy scenes ang sinalangan ni Baron Geisler sa Pusoy ng Vivamax na mapapanood na simula ngayong araw, Mayo 27, at produced ni Direk Brillante Mendoza

Kuwento ni Baron sa isinagawang media conference pagkatapos ng private screening, hindi siya aware noong unang ialok sa kanya ang pelikula na ganoon karami at sobrang daring ang karakter na gagampanan niya sa Pusoy.

Si Baron ang lider at isang malupit na gambling lord. Babae niya si Janelle Tee na mahusay sa baraha at katulong niya sa pandaraya sa sugal. Si Janelle rin ang kapareha ni Baron sa mga kinky scenes o iyong  sadomasochism. At dahil nangailangan ng malaking halaga para pagtakpan ang isang krimen, naengganyong sulutin si Angeli Khang kay Kiko Matos.

Tulad ni Janelle, hustler din sa baraha si Angeli at may pagka-sado masokista rin ang mga sex na ginagawa nila.

Tinawagan ako ni Direk Brillante, ‘Baron may gagawin kang pelikula ha, maganda ‘yung role kasama mo si Vince (Rillon) kayong dalawa ang bida rito. Ikaw ang kontrabida.’ Sabi ko  ‘Yes direk! Sige po,’” pagkukuwento ni Baron.

Next day nag-meeting na kami, sabi niya (Direk Brillante), ‘O, maganda mga eksena rito, ha, o ‘wag kang iinom, ha.

“Tapos biglang pagdating na roon (sa set), ‘Baron mag-plaster ka na (ani direk Brillante).

“Ho? ‘ ‘May pitong sexy scenes ka rito’ (sabi ulit ni direk).’

“So pinanindigan ko na lang kasi naniniwala ako kay direk Phil (Giordano) at saka kay direk Brillante na hindi ako makahindi bilang producer at hindi lang pang-Vivamax ito maaaring pang-ibang bansa, so, grateful. Pero naisahan po ako ni direk. Langya ka (sabay turo kay direk Brillante),” natatawang sabi pa ng aktor.

Aminado naman ni Baron na medyo nahiya siya sa daring scenes na ginawa niya sa Pusoy lalo’t umabot na siya sa edad 40 ay at saka siya naghubad.

Pero posibleng maulit ang pagpapaka-daring ni Baron kapag, “nasa P2-M ang bayad hahaha…Depende sa bayad,” sabi pa ng magaling na aktor.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …