Saturday , November 16 2024

Leadership ni QC Jail Warden Supt. Bonto, sinasabotahe

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

Malalamang na desperado-desperado ngayon ang “mastermind” sa layuning mapalitan si Quezon City Jail Male Dormitory (QCJMD) Warden, JSupt. Mechelle Bonto, sa position.

Bakit naman? Paano kasi ang mga paraan nilang mapasibak si Bonto ay buko na. E sino ab ang utak at anongga paraan ginagawa ng “sindikato”?

Utak? E sino pa nga ba kung hindi ilang opisyal ng BJMP na nagnanais na makuha ang position ni Bonto.

Hindi naman lingid sa kaalaman natin na simula nang maupo si Bonto sa QC jail ay walang humpay ang kanyang kampanya laban sa pagpapasok ng kontrabando partikular na ang illegal drugs “shabu” sa piitan.

Sa pamamagitan ng sunod sunod na isinagawang greyhound operations, napilayan ni Bonto ang operasyon ng bentahan ng droga sa piitan.

Napilayan makaraang makompiska ang mga panindang droga ng mga ginagamit na inmates ng sindikato…shabu at mga pinatuyong “damo”. May mga nakompiska ring mga improvised na armas.

Sa pagkabigo sa pagpapalusot at pagbebenta ng droga ng sindikato, hindi pa rin tumigil ang sindikato sa nais nilang mangyari kay Bonto.

Siya nga pala, ilan din sa miyembro ng sindikato ay mga jailguard sa QC jail na nawalan ng kita sa sindikato ng droga sa loob. Wala namg kita dahil napilayan mga ni Bonto sa.kanilang ilegal na negosyo.

Ang ilan sa jailguards ang kasabwat sa pagpapasok ng droga sa piitan kapalit siyempre ng kanilang “share of stock”. Hehehe…

E sa kagustuhan o personal na interes ng sindikato, pilit nilang binubuhay ang bentahan ng droga sa loob para nga matanggal si Bonto,

Ngayon dahil sa kabiguan, patuloy na gumagawa ng paraan ang sindikato..at ngayon naman ay sa pamamagitan ng “staged riot”.

Nitong Mayo 13, 2022, ginamit ng sindikato ang ilan inmate’s sa loob para magsagawa ng riot sa piitan.

 Nakalulungkot nga lang ang naging resulta, isang inmate ang napatay habang walo naman ang sugatan. Inakala naman ng sindikato ay masisibak na si Bonto.

Bigo na naman sila dahil nang magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa riot lumabas na staged riot ang nangyari. Isang paraan ng pananabotahe sa leaderahip ni Bonto.

Sinagot na naman ni Bonto ng greyhound ang riot daw…hayun, nakompiskahan na naman ng mga droga at armas ang mga inmates.

Nadiskobre ang mga armas na nakabaon sa semento o sahig. Bigo na naman ang sindikato..at lalo pa silang nadesmaya nang saladohan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte si Bonto sa kanyang kampanya laban sa droga at paglilinis sa QC Jail.

Muli, Mayo 20, binulaga ni Bonto ang sindikato sa jail nang magsagawa na naman ng greyhound.

Hayun nakompiska na naman ang kontrabando ng sindikato- 17 sachet ng shabu; isang maliit na pakete ng marijuana. Sa 17 sachet, 7 rito ay natagpuan nakatago sa ilalim ng sahig. Ang dalawa sa sachet ay may timbang na 23.7832 gram gramo at 25.0094 gram. Ang ilan pa ay nakita sa ilalim ng hagdanan.

Kinakailangan pang gumamit ng jackhammer ang awtoridad para makuha lang ang mga droga na nakabaon sa sementadong sahig.

Sa operasyon, hindi lang mga droga ang nakompiska kung hindi marami pang kontrabando.

Kung suriin, hindi talaga tinatantanan ng sindikato kasabwat ang ilang jailguard si Bonto hangga’t hindi mapalayas sa city jail.

Ano pa man, hindi naman aumuauko si Bonto. Laban pa aiya sahil alam niya tama lang ang kanyang ginagawan g paglilinis sa piitan.

Kaya iyon ilan opisyal na nagnanais makaupo sa QC Jail na kasabwat sa pagpapabagsak kay Bonto ay desperadong-desperado na. Habang ai Bonto ay trabaho lang ang lahat sa kanya at hindi nagpapahawak sa sindikato.

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …