Friday , November 15 2024
Oil Price Hike

Pagsirit ng presyo ng gasolina asahan diesel, kerosene magbabawas

MALAKING pagtaas ng presyo ng gasolina ang ipatutupad ngayong araw ng Martes habang malaki ang ibabawas sa presyo ng diesel at kerosene kada litro.

Ayon sa magkahiwalay na advisories, ng Chevron Philippines Inc. (Caltex), Pilipinas Shell Petroleum Corp., Seaoil Philippines Inc., at Total Philippines  ay magpapatupad ng P3.95 patong sa presyo kada litro ng gasolina habang babawasan ng P2.30 ang diesel at kerosene ng P2.45 sa bawat litro.

Magpapatupad ng parehong pagbabago sa gasolina at diesel ang Cleanfuel, Petro Gazz, at Unioil Petroleum Philippines Inc.

Unang magpapatupad ng bagong presyo ang Caltex pagsapit ng 12:01 am ngayong 24 Mayo, habang ang iba pang kompanyang nabanggit ay pagsapit ng 6:00 am, maliban sa Cleanfuel na bandang 8:01 am pa magpapatupad ng bagong presyo. (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …