Friday , November 15 2024
shabu

P3-M droga tiklo, 8 tulak arestado

AABOT sa mahigit sa P3 milyon (P3,808,000) halaga ng hinihinalang ilegal na droga (shabu) ang nakompiska ng mga awtoridad nang mahuli ang walong tulak sa magkakahiwalay na buy bust operations sa Parañaque City kamakalawa.

Kinilala ni P/BGen. Jimili Macaraeg, District Director ng Southern Police District (SPD) ang mga suspek na sina Joshua Christopher Buenconsejo,  26 anyos,  residente sa Road 7, Pildera II, NAIA, Brgy. 193, Pasay City; at Cyrel Lopez, 27, residente rin sa nabanggit na lugar.

Base sa report, 2:00 pm kamakalawa nang mahuli ang mga suspek sa isinagawang buy bust operation ng mga tauhan ng Parañaque City Police sa  Room A7, Block 2, Narra St., Veraville, Barangay San Isidro.

Matapos makatanggap ng impormasyon ang mga pulis hinggil sa pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot ng mga suspek agad nagkasa ng operasyon.

Nakompiska mula sa mga suspek ang nasa 500 gramo ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng P3,400,000.

Kasalukuyang nakapiit ang mga nadakip na suspek. (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …