Friday , November 15 2024
shabu drug arrest

P.4-M kompiskado sa nasakoteng 6 drug pushers

TINATAYANG 60 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P408,000 ang nakompiska sa anim na drug pushers nang salakayin ng pulisya ang isang drug den sa Parañaque City kamakalawa.

Kinilala ni Southern Police District (SPD) Director, BGen. Jimili Macaraeg ang mga nahuling suspek na sina Datupuwa Kanapia Datumantang, 32 anyos, (HVI pusher); Babydhats Kaliman Midtimbang, 31, (HVI at  maintainer ng drug den); Frederick Bautista Montilla, 23 (SLI/pusher); Alfredo Cinco Montilla, 67, (SLI pusher); Sarah Jane Lumabao Alon, 27, (SLI pusher); at Nadeen Junio Pedragosa, 25, (SLI pusher), pawang residente sa Parañaque City.

Sa report, nagkasa ng  anti-illegal drugs operation ang mga tauhan ng SPD Drug Enforcement Unit (SDEU) sa Ninoy Aquino Avenue, Barangay San Dionisio, Parañaque City, dakong 9:20 pm nitong Linggo na ikinaaresto ng mga suspek.

Nasamsam ang 16 pakete na naglalaman ng shabu, coin purse, at buy bust money.

Nasa kustodiya ng SPD DDEU Office ang mga suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ipinasa ang mga nakompiskang ebidensiya sa SPD Forensic Unit para sa chemical analysis.

“I will make sure that we will continue to intensify our campaign against illegal drugs. It is necessary that we eradicate this illegal substance because most of the crimes committed is drug-related, so if we can lessen the supply of this substance we can lower the crimes,” pahayag  ni BGen. Macaraeg. (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …