PORMAL nang naipamahagi ang 462 permanenteng bahay sa mga benepisaryong nawalan ng tirahan noong 2017 Marawi Siege na matatagpuan sa Barangay Patani.
Ang handover ceremony ay dinaluhan ng Task Force Bangon Marawi (TFBM) Chairman at Department of Human Settlements and Development (DHSUD) Secretary Eduardo D. Del Rosario at iba pang opisyal.
Naisakatuparan ang nasabing proyekto sa pamamagitan ng Japan government at United Nationa (UN) Habitat Philippines na may kabuuang 1,000 permanenteng bahay na itinayo gamit ang teknolohiyang steel frame ang nai-turnover mula noong 2021.
Ayon kay Japan Ambassador Koshikawa, magpapatuloy ang suporta ng Japan sa Mindanao at binigyan ng pagpapahalaga ang dedikasyon at pagsusumikap ng mga tumulong sa proyekto.
Binigyan-diin ni Koshikawa, ang suporta ng Japan sa gobyerno ng Filipinas, ay mapapatuloy sa susunod na administrasyon, para sa pagsulong at pag-unlad sa proseso ng kapayapaan at pag-unlad ng Mindanao. (GINA GARCIA)