Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Loisa Andalio Ronnie Alonbte Loinie

LoiNie ipon muna bago engagement  

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

IPAGDIRIWANG na nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte ang kanilang 6th anniversarysa November pero hindi pa nila naiisip na i-upgrade ang kanilang relasyon. Katwiran ng LoiNie, gusto muna nilang mag-focus sa kanilang career at makapag-ipon. 

“Hindi pa siguro ngayon. Darating tayo roon (engage). Sa ngayon, ang focus namin is i-enjoy muna ‘yung buhay namin hangga’t bata pa kami, mag-ipon para ‘pag dumating ‘yung panahon na kailangan na, eh ‘di tara na,” katwiran ni Ronnie.

“Darating tayo riyan. Medyo bata pa kami para roon (pag-aasawa). Pero huwag kayong mag-alala, iyon naman ang mindset namin, nakaplano ‘yan. Pero hindi pa ngayon,” dagdag pa ng aktor na napansin ang pagma-matured hindi lamang sa pag-arte maging sa pagsagot sa mga tanong sa kanya.

“Tama po ‘yung sinabi ni Ronnie. Ayaw po namin pumasok sa ganoon kataas na relationship — ‘yung engaged na — kasi ang babata pa po namin. Marami pa kaming gagawin din. Basta, nandito kami to support each other. Iyon na ‘yung the best,” pakli naman ni Loisa. 

Sa ngayon focus muna sila sa pinagbibidahang teleserye, ang Love in 40 Days na isang paranomal romcom na idinirehe nina Manny Palo at Jojo Saguin na mapapanood simula  May 30 sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, at TV5, at sa two-day advanced episodes sa iWantTFC.

Ayon sa real life couple sa isinagawang special screening at mediacon noong Biyernes,  naging challenging ang kanilang pagganap sa serye.

Nakatataba ng puso pero kinakabahan pa rin. May pressure pa rin. Medyo nahirapan lang ako kasi ‘yung role ko rito, hindi talaga siya bida eh, may pagka-kontrabida rin siya,” ani Loisa.

“Naging mahirap talaga sa amin kasi sa totoong buhay, kami talaga. So ‘yung acting namin na kailangan hindi kami, na hindi maramdaman ng tao na kami talaga, mahirap. Hindi kami nagpansinan sa set para mas maganda ‘yung atake namin,” esplika naman ni Ronnie sa kani-kanilang role.

Si Loisa si Jane, isang ambisyosang insurance agent na walang ibang inatupag kundi kumita ng pera simula noong tumayo siyang pangawalang magulang ng kapatid niyang si Monmon (Josh De Guzman). 

Sa kabila ng kanyang matagumpay na trabaho, isang trahedya ang sasapit kay Jane nang mamatay siya sa isang aksidente. Magiging multo si Jane at mapupunta siya sa Evergreen Mansion—isang lugar na ginagabayan ang mga multo bago sila tuluyang tumawid sa kabilang buhay. 

Kasama rin sa Love in 40 Days sina William Lorenzo, Leo Martinez, Lotlot de Leon, Zabel Lamberth, Janice de Belen, Ana Abad Santos, Ahron Villena, Maria Isabel Lopez, Renshi De Guzman, Trina Legaspi, Raven Molina, Chie Filomeno, Benedix Ramos, Vaughn Piczon, Kobie Brown, at Andi Abaya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …