Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Zanjoe Marudo Kylie Verzosa

Kylie at Zanjoe nagniig sa itaas ng bundok
Naghubo’t hubad kahit napakalamig  

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

FIRST time nagkasama at nagkatrabaho sina Kylie Padilla at Zanjoe Marudo pero kitang-kita at napakalakas ng kanilang chemistry sa bagong handog ng Viva Films, ang Ikaw Lang Ang Mahal na mapapanood na sa Vivamaxsimula Mayo 20.

Si Lira si Kylie, isang best selling author na pamangkin ng isa sa mga artist na hinahanap ni Andrei (Zanjoe). Magiging malapit sila sa isa’t isa dahil tutulungan ni Lira si Andrei na mainterbyu ang mga kailangang artist para sa kanyang ginagawang documentary ukol sa mga great artists sa Sagada.

Bukod sa maituturing na pinaka-daring na pelikula ito ni Kylie dahil sa kung ilang beses siyang nagpakita ng kahubdan gayundin ang maiinit nilang pagniniig ni Zanjoe (na gandang-ganda kami sa tagpong nagla-lovemaking ang dalawa sa itaas ng bundok na may top shot si Direk Richard Somes. Doo’y hubo’t hubad kapwa sina Zanjoe at Kylie at walang pakialam sa lamig ng temperatura), maganda ang paglalahad ni Kylie sa karakter ni Lira, isang anak na sobrang naapektuhan ng pagkamatay ng mga magulang sa isang aksidente. Kaya naman may isang bagay na gustong gawin na hindi napigilan ng taong minamahal.

Ayon kay Kylie malaking parte kaya naiarte niya ng tama at marubdob ang dati niyang boyfriend si Jake Cuenca.

“Gusto ko lang pong sabihin na noong isinu-shoot namin ‘to, Jake was a very big part of my process of building Lira dahil malaki po ang inspirasyon niya sa buhay ko noon.

“Kaya hanggang ngayon, malaki po ang pagpapasalamat ko sa kanya dahil malaking parte ng journey ni Lira si Jake,” sambit ni Kylie sa isiangawang private screening at presscon ng Ikaw Lang ang Mahal.

Sinabi ni Kylie na okey na siya ngayon at posibleng maikuwento na niya sa mga susunod na panahon ang ukol sa nangyaring hiwalayan nila ni Jake.

Giit pa ng dating beauty queen, magkaibigan pa rin sila ng Jake. 

Sa kabilang banda, tawa naman nang tawa si Zanjoe nang tuksuhin namin ito kay Kylie . “Kaibigan ko si Jake,” nakangiting sagot nito sa panunukso namin.

Sa Sagada kinunan ang  Ikaw Lang ang Mahal at tama ang sinabi ni Direk Richard na mai-inlove tiyak ang sinumang manonood ng kanilang pelikula sa lugar hindi lamang sa mga karakter na ipinakilala sa pelikula.

Ipinakita ni Direk Richard ang kagandahan ng Sagada, ang mga nakabibighaning ganda ng tanawin sa lugar na aakalain mong nasa iba kang bansa. 

Kasama rin sa pelikula si Cara Gonzalez na talagang umpisa pa lang ay talaga namang napalaban na sa hubaran at aktingan kay Zanjoe. Bukod kina Kylie at Cara tiyak na ikagugulat din ang pagpapakita ng kaseksihan ni Lara Morena at siyempre ang galing sa pag-arte at tiyak na mag-iisip sa kanilang mga karakter na sina Ronnie Lazaro, Evangeline Pascual, at Joel Torre.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …