NANAWAGAN ang local government unit (LGU) sa mga mamimili sa Mobile Market na magdala ng sariling lalagyan upang mapanatili ang green governance sa buong lungsod ng Taguig.
Hinihikayat ang lahat ng mga dayo at mamimili sa mobile markets na magdala ng sarili nilang ecobags or mga lalagyan upang mabawasan ang paggamit ng single-use plastic at ang pagdami ng solid waste sa lungsod.
Kahapon naka-schedule sa Central Bicutan (Sunflower St., ang Taguig Mobile Market).
Dala-dala ng Mobile Market sa kanilang pag-ikot sa iba’t ibang barangay ang kanilang mga masagana at sariwang ani gaya ng gulay, prutas, karne, isda, at iba pang rekado na maaaring mabili ng mga Taguigeños para sa kanilang lutuin.
Ang mobile market ay isa sa mga inisyatibo ng pamahalaang lungsod upang hindi na kailangananin ng Taguigeños na pumunta sa ibang lugar upang makapamalengke.
Ang mobile market ay patuloy na umiikot sa lahat ng mga barangay para maghatid ng mura at sariwang bilihin mula sa sariling ani ng mga magsasaka. (GINA GARCIA)