ni Ed de Leon
MARAMI ang nakahula sa aming blind item tungkol sa male star na pinagtulungan ng dalawang bading. Sabi nila talaga naman daw nangyayari iyon sa male star noon pa man, at sanay na siya. Madalas daw na nai-invite iyan ng mga kaibigan niyang bading sa mga gay parties na karaniwang ginagawa sa malalaking bahay sa mga exclusive subdivisions o mga private condos. Ang alam daw nila ay talagang gay din ang male star, pogi nga lang kaya pinipilahan ng mga bading.
Pero hindi naman daw gay for pay ang male star. Hindi niya iyon sideline dahil hindi naman siya nagpapabayad. Pumapatol lang siya sa bading kung type niya rin.