SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
KINO MPIRMA ni Kris Aquino sa pamamagitan ng kanyang social media account na malala na ang kanyang health condition base na rin sa huling resulta ng mga isinagawa medical test niya sa Amerika.
“Pasensya na, hindi po ako sigurado if my video made sense. Mula end of April, we found out life threatening na yung illness ko,” pagtatapat ni Kris.
“I’ve always been proud of my honesty & courage. Ginusto ko na makalipad sana nang tahimik pero utang ko po sa mga nagdarasal na gumanda ang aking kalusugan ang mag THANK YOU & to tell the TRUTH.
“Kayo na lang please ang mag research- 3 ang confirmed autoimmune conditions ko: chronic spontaneous urticaria, autoimmune thyroiditis, and definitively confirmed after my 3rd skin biopsy was read by a pathologist here & in the States – meron po akong vasculitis, to be very specific – late stage 3 of Churg Strauss Syndrome now also known as EGPA.”
Hinanap namin ang ibig sabihin ni Kris at ayon sa isang health website, “Eosinophilic granulomatosis with polyangiitis (EGPA) is an extremely rare form of vasculitis, c
characterized by inflammation within small blood vessels.
“This inflammation results in blood flow restriction, which can cause organ damage throughout the body if left untreated. EGPA is a serious, but treatable disease.”
“My team of doctors here & abroad (we’ve been closely consulting with a Filipino-American doctor and his team in Houston, Texas. Here the majority of my doctors practice in St Luke’s BGC and/or Makati Medical Center except my neurologist who has clinics in Asian, Perpetual & Medical City), they are all worried about organ damage in my heart & in my lungs. Kaya lahat ng paraan sinubukan for me to get to Houston soonest.
“Yung gamot that God willing can help save me doesn’t have FDA approval here or in Singapore & isasabay na po mag infuse ng chemotherapy as my immunosuppressant. Why? Allergic po ako sa lahat ng steroids,” paliwanag ng nanay nina Josh at Bimb.
Bago matapos ang post, may pakiusap si Kris, “Not for my sake, pero for my 2 sons, 1 in the autism spectrum & 1 only 15- kung balak nyo pong mambastos or mag comment ng masakit o masama, sa mga sarili nyo na lang pong IG, FB, or chat group sana gawin.
“Hindi nyo po ako kailangan gustuhin para magpakatao… please don’t punish kuya & bimb for being my sons. Hindi po masama ang maglakas ng loob at magsabi ng sobrang bigat na katotohanan.” (MVN)