Friday , November 15 2024
Dog Train

Good news
FUR BABIES PUWEDE NA SA MRT-3

PINAPAYAGAN  ng pamunuan ng  Metro Railways Transit (MRT-3) ang pagsakay ng mga domesticated animals gaya ng mga alagang hayop, aso o pusa sa mga tren ng MRT-3, sang-ayon sa mga panuntunan ng pamunuan ng rail line.

Ayon sa MRT 3, kinakailangang nakasuot ng diaper ang mga alagang hayop at nakalagay sa enclosed pet carrier na may sukat na hindi lalagpas sa 2 feet X 2 feet ang sukat.

Isang alagang hayop lamang kada pasahero ang maaaring isakay sa MRT-3.

Hindi rin maaaring pakainin ang hayop sa biyahe, at hindi ito dapat umukopa ng upuang nakalaan para sa ibang pasahero.

Kailangan punan ng pet owners ang isang waiver form na nagsasaad na walang pananagutan ang MRT-3 sa pagkawala o pinsala na dulot ng pagsakay ng alagang hayop sa mga tren. (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …