Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jun Miguel Aking Mga Anak

Direktor ng Talents Academy sumabak na sa pelikula

MULA sa pagiging award winning TV direktor, pinasok na rin ni Jun Miguel ang paggawa ng pelikula via short film Aking Mga Anak.

Si Jun ang direktor ng awardwinning children show na  Talents Academy na napapanood sa IBC 13 na ilang beses nang nagwagi sa Star Awards for Television at sa iba pang prestigeous award giving bodies.

Pero ngayong taon ay ang paggawa naman ng pelikula ang kanyang susubukan at  iyon nga ay via Aking Mga Anak na siya ring screen writer at producer. At pinagbibidahan ng mga  bata sa Talents Academy.

Na-inspire si Jun sa mga obrang pelikula nina Joel Lamangan, Brillante Mendoza, Chito Roño atbp. Kaya naman nagdesisyon itong subukan ang paggawa ng pelikula.

Ngayong taon nga ay may mga pelikulang naka-line na siyang gawin pagkatapos  maipalabas sa mga sinehan ang kanyang first movie.

Ilan sa artistang gusto at dream nitong maidirehe ay sina Nora AunorVilma SantosNadine Lustre, Jericho Rosales, Kathryn Bernardo, Piolo Pascual, Daniel Padilla, Bea Alonzo, at Alden Richards.

 (JOHN FONTANILLA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …