Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alex Castro

Alex Castro nagpasalamat sa mga Bulakenyo 

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

PUNO ng pasasalamat sa mga Bulakenyo ang aktor at Beautederm ambassador na si Alex Castro matapos opisyal na iproklama bilang nanalong Vice Governor ng Bulacan sa nakaraang eleksiyon. 

Masaya si Alex na nagwagi ang tambalan nila ng aktor din at incumbent Governor ng Bulacan na si Daniel Fernando.

Ayon nga sa post ni Alex sa Facebook, “Mga Bulakenyos maraming salamat po sa inyong tiwala at suporta asahan po ninyo na gagawin po namin ang lahat upang pag serbisyuhan ang bawat Bulakenyo at tugunan ang mga problema ng ating lalawigan.

“Ang tagumpay ng tambalang Fernando-Castro ay tagumpay ng bawat Bulakenyo. Sama-sama nating Baguhin ang Mukha ng ating Lalawigan. Godbless Bulacan! To God be the glory.”

Mula sa pagiging provincial board member ng Bulacan ay umakyat ng puwesto bilang Vice Governor si Alex. 

Tinitiyak ni Alex na dahil magkapartido at magkakampi sila ni Daniel bilang mga halal na Gobernador at Bise Gobernador ay magkasama nilang paglilingkuran nang maayos ang kanilang mga kababayan sa Bulacan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Grace Poe

Pag-angat ni Grace Poe, tampok sa 2028 VP survey ng WR Numero Research

ni TEDDY BRUL MAYNILA — Isa sa pinakamalaking pag-angat sa pinakabagong WR Numero Research survey …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …