UMABOT sa 180 tonelada o 18 truckloads ang nakolektang campaign paraphernalia ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) bilang bahagi ng Operation Baklas 2022.
Ang paglilinis ng campaign materials at election paraphernalia ay sinimulan ng MMDA katuwang ang Commission on Election (Comelec) na nagkalat sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila kasabay ng national and local election.
Tinanggal ang election materials na nakadikit sa pader at bakod samantala inalis ang mga nakasabit sa matataas na poste, puno, at kawad ng koryente.
Marami sa mga nakolektang election paraphernalia ay papel, plastic, at tarpaulin.
Lahat ito ay ire-recycle para hindi na dalhin sa sanitary landfills.
Naunang pinangunahan ng Comelec ang pagbabaklas ng campaign materials sa Metro Manila, dalawang araw bago ang halalan noong 9 Mayo 2022. (GINA GARCIA)