NAGULANTANG ang maraming Filipino nang manguna ang aktor na si Robin Padilla sa unang puwesto sa hanay ng mga ibinotong senador, mula sa simula ng bilangan, kagabi.
Nanguna ang aktor sa unofficial election returns sa Commission on Elections’ Transparency Media Server.
Sa botong 16,441,195 naitala, si Padilla ng PDP-Laban party ay naungusan si Rep. Loren Legarda (Antique) na nakakuha ng 15,896,981 boto dakong 9:02 p.m.
Labindalawang kandidato ang pinili ng mga Filipino kahapon, Lunes 9 Mayo, para sa 12 bakanteng posisyon sa mataas na kapulungan.
Ang broadcaster na si Raffy Tulfo, paborito sa pre-election surveys, ay ikatlong puwesto sa partial, unofficial tally na may 15,240,955 boto, kasunod si re-electionist Sen. Sherwin “Win” Gatchalian, may 13,611,577 boto hanggang kagabi.
Si Sorsogon Gov. Francis “Chiz” Escudero, nagbabalik sa Senado, ay may 13,542,957 boto hanggang kagabi, habang si dating Public Works Secretary Mark Villar ay may botong 12,604,192.
Nasambot din ng mga re-electionists at dating senador ang top 12 candidates, kasama sina Rep. Alan Peter Cayetano (Taguig), 12,514,348 boto at Sen. Joel Villanueva, 12,338,351 boto.
Si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ay nakakuha ng 12,043,798 boto sa partial, unofficial tally, si Sen. Risa Hontiveros, kasapi ng small Senate minority ay may 10,351,953 boto.
Ang magkapatid at dating mga senador na sina JV Ejercito at Jinggoy Estrada ay pasok sa kanilang pagbabalik sa botong 10,314,576 at 9,555,084, ayon sa pagkakasunod.