Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Darren Espanto Rhea Tan

Beautederm CEO Rhea Tan proud ‘mom’ kay Darren 

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga


PROUD mommy si Beautederm CEO and President Rhea Anicoche Tan sa kanyang anak-anakan at brand ambassador na si Darren Espanto kaya naman muli niyang Ini-renew ang kontrata ng sikat na singer-actor-endorser.
Nag-post ng series of photos sa kanyang Instagram at Facebook accounts si Ms. Rhea ng kanilang bonding sa pictorial ni Darren. 
“@darrenespanto  renews contract with @beautedermcorporation  .  loveu anak ! Thank you  at isa ka sa masisipag kong babies. salamat sa pagmahal sa BD,” ayon sa caption ng post ni Ms. Rhea.
Hindi rin maiwasang makipagkulitan ni Ms. Rhea kay Darren lalo na sa kanilang wacky shots na magkasama.
“Pictorial Day talaga ito ni Darren! Hahaha! Contract Renewal, nakisingit lang ang mommy nyang makulit! loveu anak!” sabi ni Ms. Rhea.
Bukod sa sipag sa pag-e-endorse ng Beautederm, minahal din ni Ms. Rhea si Darren sa pagiging sweet nito. Talagang sinasadya pa ni Darren si Ms. Rhea sa bahay niya sa Angeles, Pampanga para magbigay ng regalo.
Bago nag-lockdown dahil sa pandemya noong March 2020, si Darren ang huling ini-launch bilang Beautederm ambassador via face-to-face presscon. At ngayong nag-renew na siya ng kontrata ay tuloy-tuloy ang magandang samahan nina Darren at Ms. Rhea.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …