Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bela Alonzo Liza Soberano Kim Chiu Michael V

Bea, Liza, Kim, Michael V. bumoto kay VP Leni

PINILI nina Bea Alonzo, Liza Soberano, at Kim Chiu gayundin ni Michael V. si Vice President Leni Robredo bilang kanilang pangulo.

Sa kanya-kanyang social media accounts, nag-post ang apat ng kanilang mga daliri na may indelible ink matapos bumoto kahapon, Lunes.

Sinamahan ni Bea ang kanyang post ng caption na, “Praying for a peaceful and orderly election today. Vote wisely!! #Eleksyon2022”

Hindi man binanggit ni Bea ang pangalan ng kanyang ibinoto, nakasuot siya ng pink sa larawan bilang suporta kay VP Leni.

Sa nauna niyang post, hindi binanggit ni Bea ang pangalan ni VP Leni ngunit ginamit niya ang hashtag na #IpanaloNa10ParaSaBayan at pink na rose emoji sa dulo ng kanyang post.

Suot naman ang pink na damit, naka-finger heart naman si Liza sa larawan na sinamahan niya ng caption na “First time voter for @bise_leni!!”

Bago rito, nagpahayag si Liza ng suporta kay VP Leni sa pamamagitan ng video message sa isa sa kanyang mga grand rally.

Sinamahan naman ni Michael V. ang kanyang post ng caption na, “Wag kalimutang bumoto at irespeto ang desisyon ng kapwa Pilipino. Best of luck to our next president… whoever she may be.”

Nag-post din si Kim ng larawan ng kanyang daliri na may ink na may kasamang disenyo ng pink heart.

Sinamahan niya ang post ng caption na, “Done voting. Did my part as a Filipino Citizen.”

“Voting is the most precious right of every Filipino. Exercise it wisely. Kung ano man po ang desisyon nyo ngayon. Isipin po natin pang 6 years po ito ng buhay ng bawat Pilipino,” dagdag pa niya. (MVN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Grace Poe

Pag-angat ni Grace Poe, tampok sa 2028 VP survey ng WR Numero Research

ni TEDDY BRUL MAYNILA — Isa sa pinakamalaking pag-angat sa pinakabagong WR Numero Research survey …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …