Saturday , November 16 2024

P1.3-M shabu nasabat sa big time pusher

NASABAT ng mga tauhan ng Taguig City Police ang tinatayang P1.3 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isang ‘big time drug pusher’ sa lungsod.

Nasa 200 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1,360,000 ang nasamsam sa isang ‘big time drug pusher’ sa ikinasang anti-illegal drug operation ng Taguig City Police sa lungsod.

Kinilala ni Southern (SPD) Director, BGen. Jimili Macaraeg ang naarestong suspek na kinilalang si Akmad Sumlay, alyas Tukoy, 30, driver at isang high value individual (HVI), residente sa Taguig City.

Base sa report, nagsagawa ng buy bust operation ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa Roldan St., Purok 2, Brgy. New Lower, Taguig City, dakong 7:00 pm nitong Huwebes na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Nakompiska kay Sumlay ang limang pakete na naglalaman ng shabu, marked money, belt bag, at digital weighing scale.

Dinala ang mga ebidensiya sa SPD Forensic Unit para sa laboratory at drug test examination habang inihahanda ang kasong Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa suspek.

“Lubos kong ikinatutuwa ang kasipagang ipinapakita ng ating mga pulis sapagkat sa kabila ng ating mahigpit na pagbabantay sa nalalapit na eleksiyon at seguridad ng bawat mamamayan, hindi pa rin ninyo kinakalimutan ang ating mahigpit na kampanya lalo sa ilegal na droga na humantong muli sa pagkadakip ng isang high value individual (HVI) at pagkakakompiska ng milyong halaga ng ilegal na droga. Amin pong sinisiguro na kami ay hindi mapapagod sa aming sinumpaang tungkulin upang labanan ang ilegal na droga, kriminalidad, at terorismo,” pahayag ni BGen. Macaraeg.

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …