Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ciara ipinaalala sakripisyo nina Lacson, Sotto sa bayan

KUNG malasakit sa tao ang pag-uusapan, tiyak na may resibo sina Presidential candidate Ping Lacson at VP bet niyang si Tito Sotto, batay na rin sa paalala ni Ciara Sotto.

Nagpasalamat si Ciara sa magandang Instagram post ni Marissa Sanchez, tungkol sa kung bakit sina Lacson at Sotto ang dapat na iboto sa darating na eleksiyon.

Kabilang sa ipinunto ni Marissa ang mga banta ng “gulo” kapag natalo ang ilang kandidato. Kaya tanong niya, paano kung sina Lacson at Sotto ang piliin ng mga tao:? “Tingin nyo pag si Sen. Lacson and SP Sotto ang manalo? Palagay nyo magkakagulo pa rin? Tingin nyo lang?”

Si Sotto ang unang sinusuportahan ni Marissa pero bigla siyang nagpasya na suportahan na rin si Lacson dahil sa malinis nitong record sa paglaban sa korapsiyon.

Kaya nagkomento si Ciara sa post ni Marissa at sinabing sina Lacson at Sotto ang higit na karapat-dapat na iboto dahil handa silang magsakripisyo para sa mga tao. Gaya ng ginawa ng dalawa noong panahon ng lockdown at patuloy na nagtrabaho para maipasa ang batas na Bayanihan 1 at Bayanihan 2.

“The ones who deserve our votes are the ones who sacrificed their lives and was brave enough to go to work in the senate physically (not hiding behind a computer Kahit senior sila),” ani Ciara.

“Even during the strictest lock down cos of covid, just to be able to pass Bayanihan 1 and 2, to help our kabababayans. Ito ang mga pang-giyera. Silang dalawa ‘yung karapat-dapat,” giit pa ang aktres. (MV)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …