SUMARGO ng tig isang panalo sina Carlo “The Black” Tiger” Biado, Ronato “Volcano” Alcano at Johann “Bubwit” Chua nung Miyerkoles, Mayo 4, 2022 s para makakuha ng upuan sa Round-of-16 ng National 10-Ball Tournament na ginaganap sa Robinson’s Mall sa Naga City.
Giniba ni Biado na tubong Rasario, La Union si Kyle Amoroto ng Cebu City, 9-3; pinayuko naman ng Calamba City, Laguna bet Alcano si Alvin Daquioag ng Quezon City, 9-5; habang panalo ang Taguig City resident Chua kay Michael Baoanan ng Manila, 9-5, para mapanatiling malinis ang kanilang kartada.
“Buwenas lang dahil hindi ako binigo ng touch ko hanggang sa huling tirade,”sabi ni Biado, ang 2017 world 9-Ball titlist.
Ang iba pang cue masters na kumatok sa Last 16 via winners brackets ay sina James “Dodong Diamond” Aranas ng Bacoor City, Cavite, Anthony “Anton” Raga ng Talisay City, Cebu, Rodrigo “Edgie” Geronimo ng Marilao, Bulacan, Raymart Camomot ng Manila at Jerico Bonus ng Naga City.
Nakalusot si Aranas kay Raymund Faraon ng Sipocot, Camarines Sur, 9-3; Dinurog ni Raga si Marvin Pastor ng Imus City, Cavite, 9-4; winasiwas naman ni Geronimo si Toni Regino ng Iriga City, 9-6; kinaldag ni Camomot si Rex Lawrence ng Naga City, 9-3; at namayagpag naman si Bonus kay Mark Estiola ng Manila, 9-6.
Ayon kay Tournament Director Darwin Bernadaz, may iba pang manlalaro na nagnanais makapasok sa Round of 16 via loser’s brackets.
Ang Tournament Promoter ay si Joevie Gonzales habang ang Tournament organizer ay sina Ronald Cayetano, Kristian Agawa at Raymund Faraon.
-Marlon Bernardino-